Saturday, January 17, 2015

Stir Fry Chicken with Beansprouts



Mahilig talaga ako sa nga lutuing stir fry kasi mabilis at madaling lutuin. Kagaya nitong recipe na niluto ko kanina.

Mga Sangkap:

1/2 kilo toge(beansprouts)
1/4 kilo chicken meat hiwain pahaba at ibabad sa magic sarap
1 medium size carrot hiwain pahaba
1 medium size sibuyas
1 medium size bawang
1 small size luya hiwain pahaba
2 kamatis
2 red and green bell pepper hiwain pahaba
Spring onion(dahon ng sibuyas) hiwain ng maliliit
Patis at paminta

Paraan ng pagluto:

1. Igisa ang bawang at sibuyas
2. Ihalo ang carrot.
3. Pagkaraan ng 1 minuto ihalo ang kamatis,luya at bell pepper.
4. Hanguin at itabi.
5. Iprito ang manok at pag luto na ihalo ang gulay na una mo nang nailuto.
6. Isunod ang toge. Lutuin hangan maluto ito.
7. Timplahan ng patis at paminta ayon sa iyong panlasa.
8. Ilagay ang dahon ng sibuyas bago patayin ang apoy.

posted from Bloggeroid